Programa para Maabot ang Wika
“Maabot ang katarungan … ay ibig sabihin maabot ang wika. Hindi dapat ibukod ang mga tao sa mga pangako ng ating mga batas dahil sa wika na kanilang sinasalita.”
Director Rachel Rossi
Keynote Remarks, Stanford Law Review 2023 Symposium on Access to Justice
Tungkol sa Programa
Nakatalaga ang Office for Access to Justice Language Access Program (Opisina para Maabot ang Katarungan Programa na Maabot ang Wika) upang basagin ang mga hadlang na pumipigil sa mga komunidad na nabubukod ng dahil sa wika at sa mga tao na limitado ang pagsasalita ng Ingles, kasama ang mga Bingi at may problema sa pandinig, para mag-ulat ng krimen, maintindihan ang kanilang mga karapatan, paglalayag sa proseso ng korte, at iba pang pakikipag-ugnayan sa U.S. Department of Justice (Kagawaran ng Hustisya).
Noong 2022, Inihayag ni Attorney General Merrick B. Garland ang kauna-unahang pangkalawakang Language Access Coordinator (tagapag-ugnayan para maabot ang wika) ng Departamento, na nag-oopisina sa Office for Access to Justice. Manguguna ang Language Access Coordinator sa Language Access Program ng ATJ at gagabay sa mabisang pagpapatupad ng Departmento sa mga katungkulang mapang-abot ang wika. Namumuno din ang Coordinator sa Language Access Working Group (grupong nagtatrabaho para maabot ang wika) ng Departamento, kasama ang mga kinatawang galing sa lahat ng mga bahaging humaharap sa publiko.
Noong August 15, 2023, inihayag ni Attorney General Garland ang pagpapalabas ng panibagong Language Access Plan ng Departamento. Ginagawang makabago ng panibagong Plano ang mga patakaran na maabot ang wika para mapalawak pa ang pag-aabot at maisulong ang pangatarungan. Nagbibigay patnubay ang Plano sa mga opisina ng Departamento upang tulungan na palakasin ang pagpapaplano na maabot ang wika, na kasama ang pagiintindi sa mga uso, pangangailan at mga kagustuhan ng mga komunidad kung saan ang hindi gumagamit ang nakakarami ng wikang Ingles sa sinusulat o sinasalita. Pinapabuti ng Plano ang mga serbisyong pagsasalin ng papeles at sa salita, isinusulong ang katiyakan ng kalidad ng mga serbisyong yon, at pinapalawak ang hanay ng mga magagamit na kasangkapan sa pagserbisyo sa publiko.
Ana Paula Noguez Mercado
DOJ Language Access Coordinator
Office for Access to Justice
Language Access Program
atj_languageaccess@usdoj.gov
Mga Kautusan
- Executive Order 13166 | Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency (Ingles) (pagpapabuti ng mga serbisyo na pampaabot sa mga taong limitado ang kahusayan ng Ingles)
- Executive Order 14031 | Advancing Equity, Justice, and Opportunity for Asian Americans, Native Hawaiians, and Pacific Islanders (Ingles) (pagsulong ng katarungan, hustisya, at oportunidad para sa mga Asian American, Native Hawaiian, at Pacific Islander)
- Executive Order 13985 | Advancing Racial Equity and Support for Underserved Communities Through the Federal Government (Ingles) (pagsulong sa katarungan batay sa lahi at suporta sa komunidad na hindi napapansin sa pamamagitan ng Federal na pamahalaan)
- Equity Action Plan | U.S. Department of Justice (Ingles) (plano ng kilos pangatarungan)
- Memorandum on Improving the Department’s Efforts to Combat Hate Crimes and Hate Incidents| U.S. Department of Justice (Ingles) (palibot-sulat ng pagpapabuti ng kakayahan ng departamento na labanan ang krimen ng kasuklaman at pangyayaring kasuklaman)