Mga Programa upang Suportahan ang Mga Survivor ng Sakuna

alert - info

Ang impormasyon sa pahina na ito ay hindi sumasalamin sa mga update sa Indibidwal na Tulong para sa mga kalamidad na idineklara noong o pagkatapos ng Marso 22, 2024.

Matuto pa tungkol sa kung ano ang available na ngayon.

Ang FEMA ay may ilang programa sa Indibidwal na Tulong na idinisenyo upang masuportahan ang mga survivor ng sakuna. Maaari ka na ngayong mag-apply sa DisasterAssistance.gov o maaari mo nang suriin ang mga sumusunod na uri ng tulong upang matukoy kung ano ang pinakanaaangkop sa iyong mga pangangailangan.

Tulong sa Pagkawala ng Trabaho na Dulot ng Sakuna

Ang Tulong sa Pagkawala ng Trabaho na Dulot ng Sakuna ay nagbibigay ng mga benepisyo para sa nawalan ng trabaho at serbisyo ng tulong sa muling pagkakaroon ng trabaho sa mga survivor na naapektuhan ng sakuna. Ang mga benepisyo ay karaniwang binabayaran sa loob ng hanggang 26 na linggo matapos ang pagdedeklara ng sakuna. Magagamit lang ang tulong na ito ng mga survivor na hindi kwalipikado para sa regular na insurance sa pagkawala ng trabaho ng estado. Tinutukoy ng batas ng estado ang halaga ng pinansyal na tulong na maaaring matanggap ng isang survivor, kung kaya magkakaiba ang halaga ng mga serbisyo ng bawat estado at bawat sakuna. I-download ang fact sheet ng tulong sa pagkawala ng trabaho na dulot ng sakuna upang matuto pa.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga indibidwal sa Tulong sa Pagkawala ng Trabaho Dahil sa Sakuna sa 1-866-487-2365 o sa ahensya ng insurance sa pagkawala ng trabaho ng kanilang lokal na estado.

Pangmasang Pangangalaga at Tulong sa Emergency

Ibinibigay kaagad ang mga serbisyo ng Pangmasang Pangangalaga at Tulong sa Emergency bago ang isang potensyal na insidente at sa panahon ng agarang pagresponde sa isang pangyayari. Nagpapadala ng mga kawani at resource sa mga lokal na center sa pagresponde sa mga apektadong lugar. Kabilang sa mga iniaalok na serbisyo ang: pagbibigay ng masisilungan; pagpapakain; pamamahagi ng mga supply sa emergency; suporta para sa mga indibidwal na may mga kapansanan at iba pang pangangailangan para sa access at pagkilos; mga serbisyo upang muling magkasama ang mga nasa hustong gulang at mga bata; suporta para sa mga alagang hayop ng sambahayan, service animal, at assistance animal; at suporta sa maramihang paglikas. Kwalipikadong makatanggap ng mga serbisyong ito ang lahat ng apektadong survivor.

Gamitin ang Locator ng Disaster Recovery Center (DRC) upang maghanap ng center na nag-aalok ng ganitong mga resource.

Basahin ang aming patnubay at mga pagsasaalang-alang sa pagpaplano para sa pagbibigay ng pangmasang pangangalaga sa panahon ng pandemya.

Tulong na Programa sa Mga Indibdiwal at Sambahayan

Sa pamamagitan ng Programa sa Indibidwal at Mga Sambahayan, nagbibigay ang FEMA ng tulong sa mga indibidwal at pamilya na nawalan ng kanilang mga bahay dahil sa sakunang idineklara ng pangulo, at tumutulong din ito sa iba pang pangangailangang gaya ng para sa pangangalaga ng bata dahil sa sakuna, mga medikal na gastusin o mga gamit sa paglilinis.

Bisitahin ang aming page ng Pabahay at Iba Pang Pangangailangan ng Indibidwal upang malaman ang higit pa, o pumunta sa DisasterAssistance.gov upang mag-apply para sa Programa sa Indibidwal at Mga Sambahayan.

Programa sa Pamamahala ng Kaso ng Sakuna

Kabilang sa Pamamahala ng Kaso ng Sakuna ang mga pagtutulungan sa pagitan ng isang tagapamahala ng kaso at survivor ng sakuna. Nilalayon sa programang ito na matasa at matugunan ang mga hindi naibibigay na pangangailangan ng isang survivor sa pamamagitan ng plano sa pagbangon mula sa isang sakuna. Kabilang sa plano sa pagbangon mula sa sakuna ang mga resource, priyoridad sa pagpapasya, pagbibigay ng patnubay, at mga kagamitan upang matulungan ang mga survivor ng sakuna.

Basahin ang toolkit upang malaman kung paano mag-apply para sa Programa sa Pamamahala ng Kaso ng Sakuna.

Programa ng Tulong at Pagsasanay para sa Pagpapayo sa Panahon ng Krisis

Ang Programa ng Tulong at Pagsasanay para sa Pagpapayo sa Panahon ng Krisis ay nagbibigay ng karagdagang pagpopondo upang matulungan ang mga indibidwal at komunidad na apektado ng sakuna sa pagbangong muli mula sa mga malaking sakuna sa pamamagitan ng mga outreach at psycho-educational na serbisyo sa komunidad. Nilalayong matulungan ang mga survivor na muling makabangon mula sa mga masamang idinulot ng mga sakuna at makapagsimulang muli sa kanilang mga buhay. Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ang pagpopondo para sa suportang pagpapayo sa panahon ng krisis, psycho-education, pagkakaroon ng mga kasanayan sa pagharap sa sitwasyon, at pag-uugnay sa mga naaangkop na resource.

Alamin kung paano mag-aaply para sa mga gawad sa Tulong at Pagsasanay para sa Pagpapayo sa Panahon ng Krisis.

Nagbibigay ang Mga Legal na Serbisyo sa Sakuna ng legal na tulong sa mga survivor na apektado ng malaking sakunang idineklara ng pangulo. Magagamit ang mga serbisyong ito ng mga survivor na kwalipikadong may mababang kita at limitado ang mga ito sa mga kaso na karaniwang walang legal na bayarin. Karaniwang kabilang sa mga uri ng legal na tulong na iniaalok ang tulong sa mga claim sa insurance (hal. kalusugan, ari-arian, o buhay), pagkuhang muli o paggawa ng kopya ng mga legal na dokumentong nawala sa sakuna, tulong sa mga pag-aayos ng bahay at hindi pagkakaroon ng unawaan sa mga kontratista at/o nagpapaupa, paghahanda ng mga power of attorney at materyal sa pangangalaga, at apela sa FEMA.

Alamin pa ang tungkol sa Mga Legal na Serbisyo sa Sakuna sa page ng mga legal na serbisyo ng DisasterAssistance.gov.

Pagkoordina ng Boluntaryong Ahensya

Kabilang ang mga boluntaryong ahensya sa mga unang nagbibigay ng mga serbisyo ng suporta sa survivor matapos ang sakuna at patuloy na sumusuporta sa mga apektadong lugar sa buong panahon ng pagbangon. Pandagdag ang gawain ng mga organisasyong ito sa pederal na tulong at maaaring sumuporta ang mga ito sa mga bahaging hindi nasasaklaw. Sinusuportahan ng Mga Tagapagkoordina ng Boluntaryong Ahensya ng FEMA ang mga komunidad sa mga pagtatasa sa mga hindi natutugunang pangangailangan at pagsisikap na mag-ayos ng maagang pagkoordina, gayundin sa pagbuo at paggabay sa mga lokal na grupo para sa pangmatagalang pagbangon na ginawa upang matulungan ang mga indibidwal at pamilya sa proseso ng pagbangon.

Bisitahin ang page na Magboluntaryo at Mag-donate upang malaman ang higit pa, o mag-email sa amin kung mayroon kang mga karagdagang tanong.

Mga Listahan ng Referral

Maaaring may mga resource na magagamit ang mga survivor mula sa mga mapagkukunan na bukod pa sa FEMA. Bisitahin ang aming mga listahan ng referral sa pang-estado, pangteritoryo at lokal at pambansang antas upang makakuha ng mga karagdagang resource.

Mga Karagdagang Resource ng Survivor

Maraming tool at resource sa Ready.gov upang makatulong sa paghahanda bago ang isang sakuna o makakuha ng suporta pagkatapos nito, kabilang ang:

Pakitandaan

Nilalayon lang sa mga programang tulong sa sakuna sa pamamagitan ng programang Tulong sa Indibidwal ng FEMA na matugunan ang mga mahalagang kinakailangan at hindi nilalayon dito na masaklaw ang lahat ng nawala. Kwalipikado ang ilang tao para sa tulong mula sa mahigit sa isang programa; maaaring tumatanggap ka ng karagdagang tulong mula sa iba pang pederal at boluntaryong ahensya.

Huling na-update