Kasama mo sa mga panahon ng suliraning pinansyal sa buha
- English
- 中文
- Tiếng Việt
- 한국어
- Tagalog
- Pусский
- العربية
- Kreyòl Ayisyen
Katuwang mo ang CFPB
Kami ang Kawanihan pampagkukupkop ng pananalapi ng namimili (CFPB), isang ahensya ng pamahalaan ng U.S. na nakatuon sa pagtitiyak na ikaw ay tinatrato nang patas ng mga bangko, tagapagpautang at iba pang mga samahang pinansyal.
Sa pahinang ito:
- Mga paksa tungkol sa pera at mga pangunahing termino
- Magsumite ng reklamo tungkol sa produkto o serbisyo
Malapit nang magkaroon ng marami pang mga sanggunian sa Tagalog.
Mga paksa tungkol sa pera at mga pangunahing termino
Mag-browse nang ayon sa paksa tungkol sa pera para mahanap ang mga sagot sa mga karaniwang tinatanong hinggil sa pananalapi. Alamin ang mga pangunahing bagay, unawain ang mahahalagang termino, at maghanap ng mga paraan para umaksyon kung may problema ka.
Magsumite ng reklamo tungkol sa produkto o serbisyong pampananalapi
Sa bawat linggo, nagpapadala kami ng mahigit 10,000 reklamo tungkol sa mga pinansyal na produkto at serbisyo sa mga kumpanya para kanilang sagutin. Kung mas makakatulong ang ibang ahensya, ipapadala namin ito sa kanila at ipapaalam namin sa iyo. Sumasagot ang karamihan sa mga kumpanya sa loob ng 15 araw.
Nagkaproblema sa produkto o serbisyong pampananalapi_
Alamin ang proseso ng paghahain ng reklamo ng CFPB, at kung paano magsumite ng reklamo sa CFPB.
Paano isumite ang iyong reklamo
- Online (sa Ingles)
- O sa pamamagitan ng telepono sa (855) 411-2372 para sa tulong sa Tagalog, at 180 iba pang wika. Karaniwang sinasagot ang tawag nang wala pang 1 minuto. Isasalin ang iyong reklamo sa Ingles at ipapadala sa kumpanya para kanilang sagutin. Kapag sumagot ang kumpanya, karaniwang gagawin nila ito sa Ingles, ngunit maaari kang tumawag sa amin para marinig ang isinaling sagot.
Hanapin ang mga sagot bago mo simulan ang reklamo
Mga Patotoo
Nasa ibaba ang mga kuwento ng kung paano natulungan ang mga taong kagaya mo ng proseso ng pagsusumite ng reklamo ng CFPB. Ang iyong pagsasalita ay nagbibigay sa amin ng mahalagang pang-unawa sa mga isyung kinakaharap mo bilang isang mamimili.
"Hindi ko masabi sa iyo kung ilang beses ko nang iniyakan ang tungkol sa aking kalagayang pinansyal. Kinontak ko ang CFPB dahil kailangan ko talagang may ibang tao sa panig ko. Walang nababago sa ginagawa ko sa pribadong serbisyo sa student loan na ito, at hindi ako makaalis sa isang posisyon kung saan nawawalan na ako ng pag-asa. Kaya para sa akin, ito lamang ay tungkol sa paghahanap ng isang taong talagang makakagawa ng kaibahan ... sa tuwing nakakarinig ako ng mga taong nahihirapan sa iba pang mga isyu, talagang tinuturo ko sila sa direksyon ng CFPB."
– Dani
"Hindi ko nakuha ang apartment dahil ipinapakita pa rin sa aking kredito ang aking pagkabangkarote. Pagkatapos ng sampung taon, kung kailan dapat ay nawala na ang pagkabangkarote, sinubukan kong muling kumuha ng apartment, ngunit bago mag-apply, ninais kong matiyak na wala na ito--at naroon pa rin ito. Kaya kinontak ko sila. Nag-email ako sa kanila. Naka-ilang tawag ako at hindi nila inaayos ang isyu ... inisip kong kontakin ang Kawanihan ng Mabuting Pagnenegosyo (Better Business Bureau) at sinabi nila sa aking tawagan ang CFPB, at naisip ko namang subukan ito at tumawag ako at laking gulat ko sa bilis ng pag-asikaso nila sa isyu. Sa loob ng dalawang linggo, naisapinal ang lahat, tulad ng pagkakasabi sa sulat na wala na ito at naresolba na ang lahat ng magkabilang panig. Ang gusto ko rito ay may isang ahensya ng pamahalaan sa antas na pederal na katulad ng CFPB na tutugon at poprotektahan tayong mga mamimili mula sa, paminsan-minsan na mapang-abusong pagkilos mula sa mga samahang pinansyal."
– Jorge