Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Patakaran ng komunidad

Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari

Buod

Sa pangkalahatan, saklaw ng patakaran sa pagkansela ng listing ang mga pagkansela at refund para sa mga reserbasyon sa Airbnb. Sa mga bihirang sitwasyon kung saan pinipigilan o legal na ipinagbabawal ng mga malawakang pangyayari ang pagtuloy sa reserbasyon, maaaring mailapat ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari (ang “Patakaran”). Kapag nalalapat ang Patakarang ito, puwedeng kanselahin ng mga bisita ang kanilang reserbasyon para makatanggap ng refund, credit sa biyahe, at/o iba pang konsiderasyon anuman ang patakaran sa pagkansela ng reserbasyon. Puwede ring magkansela ang mga host nang walang bayarin o iba pang parusa pero iba‑block ang mga petsa ng kinanselang reserbasyon sa kalendaryo ng listing.

Nalalapat ang Patakarang ito sa mga na‑book na tuluyan o Karanasan at mailalapat ito sa mga reserbasyong nangyayari na o magsisimula sa petsa ng pagkakaroon ng bisa o pagkalipas nito, maliban kung may ibang inabiso ang Airbnb sa mga user. Hindi patakaran ng insurance ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari.

Ang mga saklaw na pangyayari

Saklaw ng Patakarang ito ang mga sumusunod na pangyayari kung maapektuhan ng mga iyon ang lokasyon ng reserbasyon mo, mangyari ang mga iyon pagkatapos magpareserba, at pigilan o legal na ipagbawal ng mga iyon ang mga reserbasyon sa kasalukuyan o sa hinaharap (tinutukoy sa Patakarang ito bilang “Mga Pangyayari”):

Mga idineklarang emergency na may kinalaman sa kalusugan ng publiko at mga epidemya. Mga epidemya, pandemya, at emergency na may kinalaman sa kalusugan ng publiko na idineklara ng pamahalaan. Hindi kasama rito ang mga sakit na likas (halimbawa, trangkaso) o karaniwang nauugnay sa isang lugar (halimbawa, malarya sa Thailand). Hindi saklaw ang COVID‑19 ng Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari na ito.

Mga paghihigpit ng pamahalaan sa pagbiyahe. Mga mandatoryong paghihigpit sa pagbiyahe na ipinataw ng isang ahensya ng pamahalaan, gaya ng kautusang lumikas. Hindi kasama rito ang mga hindi ipinag‑uutos na babala sa paglalakbay at katulad na patnubay mula sa pamahalaan.

Mga aksyon ng militar at iba pang labanan. Mga digmaan, labanan, pananalakay, digmaang sibil, terorismo, pagsabog, pagbomba, pag‑aaklas, kaguluhan, at himagsikan.

Malawakang pagkawala ng mga pangunahing utility. Matagalang pagkawala ng mga pangunahing utility, gaya ng heating, tubig, at kuryente, na nakakaapekto sa karamihan ng mga tuluyan sa isang partikular na lokasyon.

Mga likas na sakuna. Mga likas na sakuna at iba pang malubhang pangyayaring nauugnay sa lagay ng panahon. Saklaw lang ang lagay ng panahon o ang mga likas na kondisyong karaniwang nangyayari kaya posibleng asahan sa isang partikular na lokasyon (halimbawa, mga buhawing dumarating sa panahon ng buhawi sa Florida) kapag nagresulta ang mga ito sa isa pang Pangyayaring saklaw ng Patakarang ito na pumipigil sa pagtuloy sa reserbasyon, gaya ng mandatoryong kautusang lumikas o malawakang pagkawala ng mga pangunahing utility.

Ang mangyayari kung naapektuhan ang reserbasyon ng saklaw na Pangyayari

Kapag may malawakang pangyayari, sinusuri namin ang sitwasyon para matukoy kung nalalapat ang Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari. Kung nalalapat ito, ia‑activate namin ang Patakaran para sa apektadong lugar at tagal ng panahon kung kailan inaasahan namin na pipigilan o legal na ipagbabawal ang pagtuloy sa mga reserbasyon dahil sa Pangyayari. Maaaring hindi kwalipikado ang mga reserbasyong wala sa tinukoy na lugar at tagal ng panahon, pero puwede pa ring magkansela ang mga host nang walang parusa kung hindi sila makakapag‑host. Patuloy naming sinusubaybayan ang mga sitwasyong ito at inaayos ang pagsaklaw batay sa pangangailangan para umayon sa mga nagbabagong kondisyon. Kung sa tingin mo ay nalalapat ang Patakarang ito sa reserbasyon mo, makipag‑ugnayan sa amin para magtanong tungkol sa pagiging kwalipikado.

Ang hindi saklaw

Nauunawaan namin na maaaring makagambala sa mga plano mo ang iba pang sitwasyong hindi mo kontrolado. Sa anumang sitwasyong hindi nakalista sa itaas, mananatiling napapailalim ang reserbasyon mo sa patakaran sa pagkansela ng host para sa listing.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga karaniwang pangyayaring hindi saklaw ng patakarang ito ang:

  • Mga pangyayaring nakakaapekto sa bisita o sa kakayahan niyang bumiyahe, pero hindi sa lokasyon ng reserbasyon
  • Hindi inaasahang pinsala o sakit
  • Mga obligasyon sa pamahalaan gaya ng tungkulin bilang hurado o mga pagharap sa korte
  • Mga hindi ipinag‑uutos na babala sa paglalakbay o iba pang patnubay mula sa pamahalaan na hindi katumbas ng pagbabawal o pagpipigil sa paglalakbay
  • Pagkansela o paglipat ng iskedyul ng event na dahilan ng reserbasyon
  • Mga pagkaudlot sa transportasyon na hindi nauugnay sa saklaw na Pangyayari, gaya ng pagkalugi ng airline, mga welga sa transportasyon, at pagsasara ng kalsada dahil sa pagmementena

Para sa mga reserbasyong hindi saklaw ng Patakarang ito, hinihikayat namin ang mga bisita at host na maghanap ng kasunduang katanggap‑tanggap sa lahat ng partido, gaya ng buo o bahagyang refund o pagbabago ng mga petsa ng booking. Tandaang nasa pagpapasya ng host kung magbibigay ng anumang refund na hindi kasama sa patakaran sa pagkansela ng reserbasyon. Hindi makikibahagi o magbibigay ng garantiya ang Airbnb sa mga naturang refund.

Ang epekto ng patakarang ito sa mga host

Kung saklaw ng Patakaran sa mga Malubhang Nakakaudlot na Pangyayari ang reserbasyon, puwedeng magkansela ang mga host nang walang bayarin o iba pang parusa. Kung magkakansela ang host ayon sa patakarang ito, iba‑block ang mga petsa ng kinanselang reserbasyon sa kalendaryo ng listing. Kung kinansela ang reserbasyon sa bisa ng Patakarang ito, hindi makakatanggap ang host ng payout para sa mga nakanselang petsa ng reserbasyon, o kung naipadala na ang payout, ibabalik ang na‑refund na halaga sa susunod na (mga) payout.

Hindi alintana kung saklaw ng Patakarang ito ang reserbasyon, puwedeng magkansela ang mga host dahil sa ilang partikular na wastong dahilan, gaya ng malaking pinsala sa listing, nang hindi mapapatawan ng multa o iba pang parusa. Obligado ang mga host na magkansela ng reserbasyon kung hindi makakapamalagi sa kanilang listing o hindi tumutugma ang listing sa ipinareserba ng bisita; kapag hindi ito nagawa, puwedeng tanggalin ang listing, kanselahin ang mga kasalukuyang reserbasyon, at i‑refund ang mga bisita hanggang sa puwede nang mamalagi sa listing at tumutugma na ang listing sa paglalarawan nito. Kapag hindi ito nagawa, ituturing din itong paglabag sa aming Mga pangunahing alituntunin para sa mga host, at puwedeng magpataw ng parusang aabot sa o kabilang ang pagkakatanggal ng account.

Iba pang bagay na dapat malaman

Hindi nalilimitahan ng Patakarang ito ang mga karapatan mo ayon sa mga lokal na regulasyon, at walang epekto sa mga karapatan mo ayon sa batas ang anumang desisyong gagawin ng Airbnb sa bisa ng Patakarang ito.

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Mga kaugnay na artikulo

Magpatulong hinggil sa iyong mga reserbasyon, account, at marami pang iba.
Mag-log in o mag-sign up